Advertisers

Advertisers

“Tama si Chiz”

0 25

Advertisers

Tama si Senator Chiz Escudero.

Ngayong nagsimula na ang imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) tungkol sa mga anomalya sa flood control projects, lumabas na ang mga pangalan ng malalaking tao at mga detalye ng kanilang malalim na partisipasyon sa iskandalo.

Napatutunayan ding totoo mga sinabi ni Escudero. Katulad ng kanyang sinabi, ang isyung ito ay hindi tungkol sa kanya kundi tungkol sa flood control at sa isang bulok na sistema na ginawang negosyo ang public funds.

At ngayon nadagdag na si dating Speaker Martin Romualdez sa immigration lookout list, kitang-kita na unti-unti nang pinapanagot ang mga tinatawag na “untouchables” sa kanilang pag-abuso sa pondo ng bayan.

Matagal na itong hinihintay ng mga Pilipino. Hindi na kayang magtago ng mga “Honorables” na nasa likod ng mga anomalya sa flood control projects. Hindi sila maaring protektahan ng kanilang mga titulo at posisyon mula sa pananagutan at katarungan.

Hindi lang simpleng imbestigasyon ang ginawa ng ICI. Sinira nila ang pader ng impunity at nagpahatid ang isang malinaw na mensahe: Walang sasantuhin ang batas.

Ang katotohanan, gaano man katagal ito pilit itago, ay tiyak na lalabas. At kapag nangyari iyon, ang mga taong nabuhay sa kasinungalingan ay haharap sa bunga ng kanilang mga kasalanan.