Advertisers

Advertisers

Sanib-pwersa nina Barzaga at Toledo, tagumpay!

0 60

Advertisers

By Johnny Balani

NAGING matagumpay ang pagsasanib-puwersa nina Dasmariñas City, Cavite Mayor Jenny Austria–Barzaga at Lingkod–Bayan–Businessman Benjie Toledo sa pagbubukas ng Programang “Basic Community Practical Nursing and Caregiving Seminar” kamakailan lang. Ang isang araw na seminar na ginanap sa Covered Court ng Armstrong Village, Salawag, Dasmariñas City, Cavite ay nilahukan ng humigit–kumulang sa walong–daang residente ng Barangay Salawag.

Pinasinayaan ito ni Dasmariñas City, Cavite Mayor Jenny Austria–Barzaga at sa kanyang mensahe ay binigyang diin nito ang kahalagahan ng pangunahing kasanayan sa kalusugan at pangangalaga upang mapahusay ang kanilang kapasidad na tugunan ang kanilang sariling mga pangangailangan at ng kanilang mga pamilya at komunidad. “Kinakailangan din nating pahalagahan ang pagtataguyod ng isang malusog at ligtas na kapaligiran sa Lungsod ng Dasmariñas,” dagdag pa ni Mayor Jenny Barzaga.



Ayon kay Toledo, layunin niyang makapagbahagi o’ makapagbigay sa mga kalahok ng mga pangunahing kasanayan upang makatulong ito sa mga pangangalagang– pangkalusugan sa loob ng isang komunidad, partikular ang Barangay Salawag. “Kabilang pa rito ang pagtulong sa mga pang-araw-araw na aktibidad sa pamumuhay, personal na pangangalaga para sa iba’t ibang pangkat ng edad tulad ng mga sanggol, matatanda, mga espesyal na pangangailangan, at ang Pangunahing Pangunang-Lunas,” wika ni Toledo.

Sambit pa ni Toledo na tuloy–tuloy pa rin ang kanyang mga Programa at Proyektong pang Barangay para sa kapakinabangan ng mga Salawageños. Sa katunayan, “Housekeeping Training Seminar” ang umano’y sususnod na Proyekto ni Toledo. “Buong suporta rin ang aking ibabahagi kay Benjie Toledo . . . basta’t para sa Salawageños na Dasmarineños,” ani Mayor Jenny Barzaga. #SaNagkakaisangSalawagWalangImposible–B.Toledo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">