Advertisers

Advertisers

Ikatlong rollback ng oil price next week

0 5

Advertisers

ASAHAN ang ikatlong rollback sa presyo ng diesel sa susunod na linggo.

Ito ay sa gitna ng mga serye ng global oil price shocks dahil sa tensiyon sa Gitnang Silangan na nakaapekto sa presyo ng langis sa lokal na merkado.

Batay sa trading sa nakalipas na apat na araw, inaasahang mababawasan ng P8 hanggang P10 kada litro ang presyo ng diesel.



Subalit sa gasoline, nakikitang magkakaroon ng posibleng pagtaas ng P1 kada litro o walang paggalaw.

May posibilidad na magbago pa ito depende sa magiging resulta ng trading nitong Biyernes.



Iaanunsiyo naman ng mga kumpaniya ng langis ang opisyal na presyo ng mga produktong petrolyo sa Lunes at ipatutupad naman sa araw ng Martes.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">