Advertisers
MALALAMAN ang iba pang mga detalye sa sitwasyon ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kapag nakausap na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Eric Vida ang mga awtoridad sa Czech Republic.
Sinabi ito ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez kaugnay sa pahayag na hindi inaresto ang dating kongresista.
Paglilinaw ni Martinez, hindi “technically arrested” si Co pero hindi pa rin siya tuluyang malaya.
Inihalimbawa nito ang sitwasyon sa isang paliparan kung saan dumating ang isang indibidwal pero hindi pinayagan ng immigration na makapasok ng bansa.
Batay din anila sa pinakahuling impormasyon ay nasa ilalim pa rin si Co ng hurisdiksyon ng Czech authorities.
Nitong Biyernes nang kumpirmahin ni Martinez na nakaalis na ng bansa si Vida kasama si Chief State Counsel Dennis Chan pero wala pang detalye kung nakalapag na sila sa Czech Republic.