Advertisers

Advertisers

Bernardo, kinumpirma nagkaroon ng 3 cash deliveries kay ex-Sen. Revilla

0 4

Advertisers

KINUMPIRMA ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Usec. Bernardo na nagkaroon ng tatlong cash deliveries kay dating Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.

Kasunod ito ng kaniyang pagharap nitong Biyernes, Abril 24, sa Sandiganbayan Third Division si Bernardo para sa huling araw ng pagdinig sa bail petition ni Revilla at mga kapwa akusado sa kasong malversation na may kaugnayan sa P92.8-M na ghost flood control projects sa Pandi, Bulacan.

Sinabi ni Bernardo, personal niyang idineliber sa bahay ni Revilla ang anim na standard banker’s box at isang paper bag na naglalaman ng P125 million noong December 2024.



Ani Bernardo, sinamahan umano siya noon ng kaniyang driver na si Isko Dela Fuente.

Noong February 2025, naghatid naman ang kaniyang aide na si Niño Garcia ng 13 boxes na naglalaman ng P250 million.



Noong March 2025, nagdala muli si Bernardo ng P125 million na nakalagay sa anim na kahon.

Sa kabuuan, nasa P500-M umano ang naihatid kay Revilla na kickback.



Sa mga nangyaring pagdinig, tanging si Bernardo ang direktang nagsabi na tumanggap si Revilla ng kickback.

Duda naman ang kampo ng dating senador dahil maliban sa direktang statement, wala umanong maipakitang kongkretong ebidensya na magpapatunay na tinanggap nga ni Revilla ang mga pera.