Advertisers
Hindi na nakapagtimpi si Jillian Ward matapos madawit sa mga bastos at malisyosong paratang kasama ang kanyang ina na si Jennifer Ward.
Sa interview niya sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ noong Oktubre 21, diretsahang tinanong si Jillian kung totoo bang “ibinubugaw” umano siya ng sariling ina.
Agad niya itong sinupalpal.
“Sobrang bastos po para sa nanay ko! Lahat ng meron ako, pinaghirapan ko. Hindi ko kailanman ibinebenta ang sarili ko,” madiin na sagot ng Kapuso actress.
Apat na taon na raw siyang binabato ng isyung may “sponsor” at may “backdoor meeting” pa sa hotel.
“Kung meron silang CCTV, ilabas nila — pero sana, hindi AI!” buwelta pa ni Jillian.
Ayon sa kanyang ina, desidido silang magsampa ng cyberlibel case laban sa mga nagpapakalat ng fake news.
“Diyos ko, hindi ko kayang gawin ‘yon sa anak ko. May takot ako sa Diyos!” giit ni Jennifer.
Bukod pa rito, pinabulaanan din ni Jillian ang isyung konektado siya sa dating gobernador na si Chavit Singson.
“Ito na po ‘yung first and last time na I’ll speak about it. Never ko po siyang nakilala, never kaming nagkita, never kaming nag-usap. Hindi ko nga po alam kung kilala niya ako. Hindi po talaga kami magkakilala,” giit ng Kapuso actress.