Advertisers

Advertisers

4 SUSPEK SA “TUKLAW” KINASUHAN NA NG MARIKINA PNP!

0 19

Advertisers

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002 ng RA9165 ang 4 na naarestong suspek na nahulihan ng “tuklaw” sa Marikina City.

Ayon sa ulat ng Marikina PNP na kumpiska sa mga suspek sa buybust operation ang 631 pakete ng Synthetic Cannabinoids o “tuklaw” na nagkakahalaga ng P2.208 milyon pesos at 8 gramo ng kush dakong alas 2:00 ng madaling araw sa #31 F. Manalo St., Brgy., Nangka sa lungsod sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakilala ang mga naaresto na sina alias “Zardo” (20, jobless, Brgy. Malanday), alias “Luke” (20, jobless, Brgy. Nangka), alias “Shane” (21, Joyride rider, San Mateo, Rizal), at alias “Fin” (26, Angkas rider, San Mateo, Rizal).



Habang nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon sa mga suspek para matukoy ng awtoridad ang source ng illegal na droga.

Nakapiit naman ang mga suspek sa detention cell ng Marikina City Police habang inaantay ang comitment order mula sa korte para ilipat ito sa Marikina Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). (Edwin Moreno)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">