Advertisers
SA gitna ng mga alegasyon ng korapsyon, muling iginiit ng Malakanyang na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nag-utos ng imbestigasyon kaya hindi umano dapat ibunton dito ang sisi.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, may mga grupong nais mapatalsik si PBBM dahil sila ang tinatamaan ng nagpapatuloy na pagsisiyasat sa flood control scam.
Aniya, kapag nawala ang Pangulo at iba ang ipinalit, malamang mawala ang imbestigasyon, lalo na kung kaalyado nila ito.
Binigyang-diin ni Castro na mabilis ang ginagawa ng pamahalaang Marcos sa pagpapanagot sa mga tiwali upang mapanatili ang tiwala ng publiko.
Samantala, muling iginiit ng Palasyo na walang anumang sigalot sa pagitan ng Iglesia ni Cristo at ni Pangulong Marcos.
Ipinunto ng opisyal na kapwa interes ng gobyerno at ng INC na masiguro ang integridad ng mga proyekto at maprotektahan ang pondo ng bayan. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)