Advertisers

Advertisers

Author ng Librong Leave Nobody Hungry biktima ng Online Scam

0 37

Advertisers

BIKTIMA umano ng Online Scam ang author ng librong Leave Nobody Hungry kaya nagreklamo na siya sa National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police at maging sa tanggapan ng Pangulong Bong-Bong Marcos (PBBM).

Ayon kay Virginia Rodriguez, Presidente at Chairperson ng Leave Nobody Hungry Foundation Inc., kinikikilan umano siya ng P50-milyon ng sindikato at kapag hindi ito nagbigay ay may masama umanong mangyayari sa kanya at kanyang pamilya.

Sinabi ni Rodriguez na nakatanggap siya ng mga message at electronic voice calls mula sa iba’t-ibang dummy account sa social media na nananakot sa kanya.

Tinukoy ni Rodriguez ang umano’y tatlong dummy account na ginagamit ng sindikato bilang alyas “Baby S”, “Arnold Llamoso” at “Mon Quembot Mar”

Sinabi ni Rodriguez na nagpapakilala ang tatlong pekeng account na konektado umano sa kanyang foundation at humihingi ng donasyon sa iba’t ibang individual at naninira sa kanya.

Ani Rodriguez, hindi nila gawain ang manghingi sa halip ay puro pagtulong at pagbibigay ng ayuda ang kanilang ginagawa mula mismo sa kanilang sariling pondo.

Sinabi rin ni Rodriguez na nais sirain ng mga pekeng account ang magandang reputasyon at pangalan niya at ng Leave Nobody’s Hungry Foundation Inc.

Nanawagan din si Virgie Rodriguez sa mga government Agency na maging maingat dahil ginagamit ng mga sindikato ang kanilang logo sa pamemeke at paninira ng pangalan at reputasyon ng mga inosenteng tao para makikilan nila ng malaking halaga ang kanilang mga biktima.