Advertisers

Advertisers

Call center agent hinoldap, pinatay ng katrabaho

0 77

Advertisers

NASAWI ang isang call center agent nang holdapin at pagsasaksakin ng kanyang katrabaho sa Novaliches, Quezon City noong Biyernes.



Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si alyas “Gladys”, 48 anyos, ng Brgy. Kaligayahan, QC.
Arestado ang salarin na si alyas “Jonas”, 60, isa ring call center agent, ng Pleasant Hills, San Manuel City, SJDM, Bulacan.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), 10:48 ng umaga ng Biyernes, Nobyembre 21, nang mangyari ang panghoholdap sa harap ng RNH Tire Supply sa Commonwealth Ave., Brgy. Sta Monica, Quezon City.

Narekober sa salarin ang isang kutsilyo, black cloth handbag; cellphone; P24,000 cash; BDO ATM card; PNB ATM card at Concentrix, Citizen at PhilHealth ID na pag-aari ng biktima.