Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MAY nagsi-circulate na raw na Director’s Cut ng music video ni Jojo Mendrez at usap usapan ngayon ito. May nagtsismis na nakita raw si Mark Herras kamakailan na nasa Batangas, kung saan ginagawa ang Music video roon ni Jojo sa isang mayamaning resort.
May nagsasabi na kasama si Mark sa music video ni Jojo. Akala ko ba tapos na lahat ang tsismis sa kanila? Pero ano naman etong spotted silang dalawa na magkasama? How true?
At kung si Mark nga ba ay kasama sa music video ng Christmas song ni Jojo na Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin, naku, andaming kikiligin lalo na ang mga MARJO, ang Mark Herras and Jojo Mendrez fans.
May nagleak na raw na video bagamat hindi pa ito nilalabas ng kampo ni Jojo. Excited kami na mapanood ang nasabing video at marami talaga ang nag-aabang dito?
Ano kaya ang laman ng video ng Ngayong Pasko”y Ikaw Pa Rin? Mapa-video man o ang mismong kanta eh talagang pinag uusapan ang song na ito dahil andaming nakaka-relate sa nasabing song.
***
BIHIRA na lang talaga ang kumikitang pelikula ngayon. Karamihan sa mga naipalabas sa mga nagdaang buwan ay pulos flop. Ang dalawang pelikula na so far, ay malakas sa takilya noong ipalabas ay ang My Love Will Make You Disappear, na bida ang loveteam nina Kim Chiu at Paulo Avelino, at ang Meet, Greet & Bye na bida naman sina Maricel Soriano, Belle Mariano, Juan Karlos Labajo, Joshua Garcia, at Piolo Pascual.
After ng dalawang movie na nabanggit namin, wala pa talagang kumikita ulit na pelikula ngayon. Balita nga namin, ang movie na pinagbibidahan nina Richard Gomez at Elijah Canlas ay nilangaw sa takilya.
Nakakalungktot naman talaga ang nangyayari ngayon sa ating movie industry.