Advertisers
ANG matagumpay na 69 anti-illegal drug operation sa loob ng isang linggo mula Nobyembre 24-30, 2025, ay nagresulta sa pagkakaaresto ng 88 indibidwal sa sangkot sa drug-related activities sa Southern part ng Metro Manila.
Sa pamumuno ni PBGEN Randy Y Arceo ,District Director, ng Southern Police District ( SPD) ay nahuli ang 1 High-Value Individual (HVI) at 87 Street-Level Individuals (SLIs), na nagpapakita ng masusing pagtutok ng SPD mula high-level hanggang street-level offenders.
Narekober din sa mga operasyon ang 248.14 grams ng shabu, 9.99 grams ng dried marijuana leaves, at 6.50 grams ng kush, na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) value na Php 1,697,650.80, isang malaking kabawasan sa supply ng ipinagbabawal na gamot sa rehiyon.
Pinuri ni PBGen Arceo ang mga operating units dahil sa kanilang sipag, focus, at mataas na antas ng propesyonalismo. Binigyang-diin niya na nananatiling determinado ang SPD na tiyaking ligtas at protektado ang bawat komunidad sa kanilang nasasakupan.
Ayon sa kanya, “Our efforts reflect our firm resolve to safeguard our communities. Every arrest, every seizure, and every successful operation brings us closer to a drug-free Southern Metro.”
Patuloy namang pinatitibay ng SPD ang pakikipag-ugnayan nito sa mga local government units, community partners, at iba pang law enforcement agencies upang mapalawak pa at mapanatili ang tagumpay ng kanilang anti-illegal drug initiatives. (JOJO SADIWA)