Advertisers

Advertisers

Konsehal/brodkaster todas sa saksak

0 17

Advertisers

NASAWI ang isang konsehal ng bayan ng Marihatag, Surigao del Sur nang pagsasaksakin Sabado ng umaga, Disyembre 6.



Kinilala ang nasawi na si Konsehal Gerry Sales Campos, isa ring radio anchor.

Kabababa lamang nito ng sasakyan sa isang gas station sa Barangay Poblacion 7:00 ng umaga nang saksakin ni Sandy Constantin Rivas ng ilang beses partikular sa bandang tiyan.

Agad tumakas si Rivas subali’t naiwan nito ang pares ng kanyang tsinelas, habang nakahandusay si Campos sa kalsada.

Rumesponde ang mga tauhan ng municipal disaster risk reduction and management office at isinugod ang biktima sa Marihatag District Hospital, nguni’t idineklarang patay.

Napasakamay ng mga awtoridad si Rivas matapos ang hot pursuit operation.

Kasalukuyan nang nakakulong ang salarin.