Advertisers
Upang palakasin pa ang pagtugon sa emergency healthcare services sa Valenzuela, City, pormal nang isinagawa ang turn- over nina Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian at Senator Win Gatchalian ang 33 brand-new ambulances sa bawat barangay ,kasabay ng pagdiriwang ng 28th Charter Day nitong February 14.
Ang mga bagong ambulansya ay kinapapalooban ng state-of-the-art emergency medical features, kabilang ang stretcher beds , spinal boards, at trauma kits na bawat unit ay may interior LED medical lighting at two-way radio communication system device upang matiyak ang koordinasyon sa city’s central command center.
Tampok din ang mga sasakyan ng high-roof designs at sirens , high-visibility emergency lighting para sa ligtas at mabilis na paghahatid ng pasyente .
Ayon kay Mayor Wes Gatchalian, “Ito pong programa natin ay bilang suporta sa ating programang pangkalusugan, ang mabilis at episyenteng serbisyo sa ating mga constituents sa pamamagitan po ng mga brand new ambulance natin.‘Wag po kayong mag-alala, pinapaalam ko rin sa inyo na ang LGU rin po ay patuloy pong sumusuporta sa ating mga barangay… Kaya sa ating mga kapitan at barangay officials na nandito, suklian po natin ng magandang serbisyo ang ating mga mamamayan,”
Sa patuloy na suporta ni Senator WIN, patuloy aniya ang kanyang inisyatibo na palakasin ang healthcare capabilities nito .
Kabilang sa dumalo sa selebrasyon at turned over sina Vice Mayor Marlon Alejandrino, 2nd District Congressman Gerald Galang, Councilors: Niña Lopez, Goyong Serrano, Lorie Natividad-Borja, Ghogho Deato-Lee, Atty. Bimbo Dela Cruz, Liga ng mga Barangay President Mario San Andres, at mga City Barangay Captains at Council.(Beth Samson)