Advertisers
Nalambat ng mga operatiba ng Caloocan City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU)ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Caloocan City.
Sa ulat na ipinarating kay Northern Police District Director PB Gen. Christopher Dela Cruz ni Caloocan Police Chief PCol.Joey Goforth, alas – 4:13 ng hapon, Huwebes ng isagawa ang police operation sa Barangay 14, Caloocan City.
Kinilala ang suspek na 25-anyos na lalaki bilang High-Value Individual (HVI) at isang 22-anyos na lalaki na tinaguriang Street-Level Individual (SLI).
Nakumpiska sa mga suspek ang shabu na tumitimbang ng 53.6 may street value na P364,480.00.
Nakumpiska din ang isang caliber .45 pistol na may magazine at bala, isang pistol cal.
Nahaharapang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Article II of Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) and Section 28 of Republic Act No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).(Beth Samson)