Advertisers
May usapang muli ang pagtatayo ng PBA ng sa-rili nitong coliseum.
Itong bagong balita ay sa lugar na bahagi ng UP site sa Quezon City.
Limang ektarya sa pagitan ng Philcoa at Ayala Technohub ito. Posibleng kapakner ang Ayala Group at ang Philippine Sports Commission para sa isang palaruan na may 10,000 na seating capacity.
Noon may ulat na gagawin ito sa area ng Metrowalk sa Pasig. Pero wala namang nangyari.
Sinasabing magandang idea ang may matatawag na PBA owned arena. Nguni’t hindi madali ito isakatuparan.
Kailangan may feasibility study para malaan kung pabor sa liga sa kasalukuyang panahon.
Dapat sagutin ang mga tanong na ganire. Saan manggagaling ang pondo ng konstruksyon? Kikita ba ang liga sa operasyon ng venue? Mas makatiti-pid ba ang PBA dito kaysa magrenta na lang sa SM MOA o sa Big Dome ng mga Araneta? Makatutulong ba ito sa pagpapalaganap ng popularidad ng PBA o hindi? Alinsunod ba ito sa long- term goal ng liga?
Sa pag-aaral dati ay lumabas na mas maigi ang status quo na lang muna.
Ayon kay Ka Berong ay malamang mas lamang na huwag na muna ituloy ang plano.
Siguro aniya kung may mga negosyante na gagastusan ang proyekto ay pwede pa. Ganito ang nangyari sa kasunduan ng UAAP at ang pamunuan ng Arcovia sa Pasig.
Pag ganoon ay walang risk ang PBA.
Marahil kung lupa ng UP at pondo ng Ayala at iba pang investor ay ayos lang.
Pag ganoon ay tataas ang self-esteem ng PBA at mga koponan nito pati lahat ng mga empleyado nila.
Kaso wala ring mga businessman ang susugal di-yan kung walang guarantee na kikita sila matapos ang ilang taon.
Naku pababa ng pababa ang tv ratings at gate receipt ng 50 anos na asosasyon. Kaya malabo ito eka ni Kaka.
***
Inaakusahan ang LA Lakers na walang respeto sa San Antonio at pati sa buong NBA. Kasi ipinahinga nila ang apat sa kanilang starter sa game nila kontra sa Spurs noong Miyerkules
Paano wala sa laro sina Luka Doncic, LeBron James, Austin Reaves at Deandre Ayton. Oo mayroon mga iniindang injury ang mga nabanggit pero maaari naman ang ilan sa kanila kung gugustuhin.
Sabi naman ng mga maka purple n gold ay mas mainam na ang hindi sila palaruin at baka lalong grumabe kanilang mga katawan. At saka mahihirapan din silang manalo sa Spurs talaga.
***
Sabi ng ilang sports analyst ay hindi kaya talunin ng Gilas Pilipinas ang Australia at New Zealand sa FIBA Asia-Oceana. Agree ba kayo o hindi?