Advertisers
SA pambihirang pagkakataon ay nakadaupang- palad ng inyong kakorner ang isang colleague sa propesyon at kabalware sa Taguig na ang ka nyang pangalan ay household name na sa Barangay Upper Bicutan.
Si Queen Dolly Carreon, isang journalist by profession na kung nagpokus sa paging isang alagad ng pamamahayag ay Isa na siya sa mga tanyag nang jorno sa bansa kung babasehan ay ang kanyang angking karisma at ‘arrive’ ay sadyang katotohanan lamang ang kanyang hatid sa bayan ni Juan.
Pero nanaig ang tawag ng serbisyo publiko lalo sa mga mahal niyang kabarangay na ang kanyang paglilingkod ay busilak, wagas at hayahay.
Kinse anyos pa lang ang prinsesa noong si Queen ay naranasan na niya ang magserbisyo sa abot ng kakayahan sa pagiging Sannguniang Kabataan(SK) chairman.
Hanggang maging kawani ang batikang digital creator ni Mayor Lani at sa angkop na departamento bilang PIO na kagnayan sa aspeto ng impormasyon ang mainstream st social media.
Tunay na destiny ni Queen ang maglingkod sa kanyang barangay dahil iniluklok siya bilang topnotcher na kagawad na expected naman ng lahat.
Ang kanyang serbisyo ay walang kulay at kinikilingan basta taga- Upper Bicutan.
Bagamat may mga nagiisip na siya ay threat sa incumbent, wala sa sapantaha ni Kgd.Queen ang posibleng senaryo dahil ang prayoridad niya ay tao na kanyang konstituwente.
Destiny na ang gigiya sa kanyang direksyon sa dako pa roon ng pedestal ng serbisyong lakip ng pagmamahal.
At kahit na nga sinasabi ng mayoryang aking mga nakapayam na panahon na ng tunay na pagbabago sa sistemang old school sa pamamalakad sa barangay ay prente lang ang ating reyna at pokus lang sa kanyang responsibilidad si Queen Kagawad.
” We will cross the bridge when we get there.Pero sa ngayon ay serbisyo muna ang isipin.Destiny will lead us there.”wika ni Carreon.
Optimistiko ang Uppercut na sa angking katangian sa isip at gawa ay tamasa ni Queen partikular ang karisma at deteminasyon kaya there’s no way but up sa trono ng bilang epektibong pinuno.
Ka-Upper Bicutan..
ABANGAN!!!
LOWCUT:Isang makasaysayang tagumpay ang iminarka ng Philippine Women’s National Baseball team matapos bokyain ang powerhouse Cuba,6-0 sa WBSC Women’s Baseball World Cup. Ngayon lng nangyari yan sa kasaysayan ng Ph baseball.Congrats PABA and Mr.Mije Asuncion…YUUUN!