Advertisers

Advertisers

Tinalo na ni Martin Romualdez si Pulong

0 5

Advertisers

SA investigative report ng Philippine Center of Investigative Journalism (PCIJ), ibinunyag nitong nalagpasan na ni Representative Martin Romualdez ng 1s District ng Leyte si Davao City Congressman Pulong Duterte sa pagkaroon ng pinakamalaking pondo sa kanilang distrito.
Sinabi ng PCIJ na kung si Duterte ay nagkaroon ng P51 billion pondo sa isang termino, si Romualdez ay nakakuha naman ng P57 billion!
Ang dapat na budget ng isang congressman sa infras sa kanyang distrito ay P500 million to P2.5 billion, depende sa laki ng distrito.
Si Pulong ay anak ni dating pangulo Rody Duterte, habang si Romualdez ay pinsang buo ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.
Nakuha ni Pulong ang kanyang unang P51 billion pork noong 2019 sa kanyang unang termino as congressman ng unang distrito ng Davao City, kungsaan patapos na ang termino ng kanyang Tatay Digong sa Malakanyang.
Nadale naman ni Romualdez ang kanyang P57 billion nang maging House Speaker, kungsaan lumaganap ang mga multo at depektibong mga proyekto sa tandem nila ni noo’y Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Si Zaldy Co ay wanted ngayon sa Plunder, nagtatago sa ibang bansa na walang access ang Pilipinas. Kanselado na ang kanyang pasaporte at mayroong “Red Notice” sa Interpol.
Si Romualdez ay nahaharap ngayon sa reklamong Plunder sa Office of the Ombudsman. Hinog na hinog na raw ito, sabi ni Ombudsman Boying Remulla. Aray ko!
Nabunyag din ang sobra-sobrang yaman ni Romualdez. Yamang hindi na kayang bilangin.
Masusubok dito ang astig ni Ombudsman Boying. Subaybayan!
***
Lusot na sa committee panel ng Senado ang pagpaliban (uli) sa barangay ang Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa panukala ni Senador Chiz Escudero, hirit niyang sa 2028 na gawin ang BSKE at maging fixed na limang taon ang termino ng barangay.
Ang BSKE ay nakatakda ng Nobyembre 2, 2026, matapos ma-postpone noong 2025.
Isa sa mga rason ni Escudero para ipagpaliban ang BSKE ay para raw magamit muna ang pondo sa mga ayuda, at makatipid ang gobierno.
Hindi ako sang-ayon sa mga rason na ito ni Escudero.
Una, ang Korte Suprema ay mayroon nang ruling, na ang termino ng barangay at sangguniang kabataan ay tatlong taon alinsunod sa nakasaad sa Saligang batas.
Pangalawa, masyado nang mahaba ang panunungkulan ng ilang barangay at kabataang opsiyales. At marami sa mga ito ay abusado at inutil, naghihintay nalang ng honoraria, hindi na nagseserbisyo. Dapat na silang palitan!
Ayon sa election lawyer na si Tony Macalintal, na siyang lumapit noon sa Korte Suprema, kapag ni-reset uli ang BSKE ay kukuwestiyunin niya uli ito sa Korte Suprema.
Dapat barilin ni Pangulong BBM ang panukalang ito ni Escudero. Ituloy ang BSKE sa Nob. 2 period!