Advertisers

Advertisers

Banat ni VP Sara kay PBBM

0 25

Advertisers

INUPAKAN ni Vice Presidente Sara Duterte-Carpio ang Kamara sa pagbasura sa impeachment laban sa kanyang running mate noong 2022 na si Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr.

Say ni Sara, dapat ma-impeach si PBBM dahil sa pagiging incompetent nito.

“Impeachable offense din ‘yung humihindi ang isang opisyal kapag merong nagtatanong ng competency niya na mamuno at may nagsasabi na gumagamit siya ng illegal na droga,” diin ng Bise Presidente.

Ang impeachment laban kay PBBM ay nabasura sa pamamagitan ng 284 boto mula sa mahigit 300 miembro ng House of Representatives.

Paano naman kasi na hindi mabasura ang impeachment laban kay PBBM eh puros walang resibo ang mga akusasyon laban sa Pangulo, hearsay ang mga laman ng impeachment complaints, at ang nagsampa pa ng impeachment ay sangkot sa multi-billion flood control anomaly. Animal!

Pero itong impeachment laban kay VP Sara, naniniwala ako na may paglalagyan siya. Dahil ang linaw ng mga ebidensiya, may mga resibo mula sa Commission on Audit, mga mga rekord mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), at may mga tumatayong testigo.

Dapat nga last year pa na-impeach itong si Inday Sara kung hindi lang niya kaalyado forthwith ang Senate President noon na si Chiz Escudero, at backup siya ng malaking sekta na nagsagawa pa ng show of force para sa kanya sa Luneta ng ilang araw.

Sa pag-refile sa impeachment laban kay VP Sara nitong unang linggo ng Pebrero, umusad na ito sa Kamara. St kabado rito ang pangalawang pangulo.

Subaybayan!

***

Sinabi ng beteranong mamamahayag na si Ramon Tulfo, hindi dapat maging pangulo si Sara dahil wala ito sa katinuan, lalo lang daw magkaletse-letse lang ang Pilipinas. Araguy!!!

Giit ni Mon, nakakatandang kapatid nina Senador Raffy at Erwin Tulfo, kung naging worst ang pamamalakad ng ama ni Sara na si Digong noon (2016-2022) ay baka mas masama pa ang mangyayari sa Pilipinas kapag si Sara ang mahalal sa 2028. Araguy!!!

Si Mon ay malapit na kaibigan ni Digong, pero tinutuligsa niya ang naging performance nito.

Ang Pilipinas ay nabaon ng todo sa utang nang maupong presidente si Digong, at namayagpag ang drug lords partikular Chinese sa kabila ng brutal na ‘war on drugs’ ng nakaraang administrasyon.

Si Digong ay nakakulong ngayon sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands. Mag-isang taon na siya doon. Bilyones na ang kanyang nagastos sa kanyang abogadong banyaga.

Saan kaya kinukuha ni Digong ang pambayad sa kanyang ICC lawyer na higit hundred million a month ang “talent fee”? Kasi ipinagsisigawan niya noon na mahirap lamang siya.

Anyway, kung kayo ang tatanungin: Gusto n’yo ba si Sara maging presidente sa 2028?