Advertisers
Hiniling ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang respetuhan sa pagitan ng China at Pilipinas kaugnay sa hidwaan o hindi pagkakaunawaan sa ilang mga isyu .
Ito ay matapos ang pagdiriwang ng Chinese New Year kug saan dumalo at nagkausap sina Mayor Isko at People’s Republic of China to the Philippines Ambassador Jing Quan.
Sa kanilang pag-uusap , ibinahagi ng alkalde na magkakaroon ng mas maraming air flights mula China patungong Cebu .
Ito aniya ay magreresulta ng mas malawak at malakas na turismo na magdadala ng mga trabaho at negosyo hindi lang sa Maynila kundi maging sa buong Pilipinas.
Tiniyak din ni Mayor Isko sa mga dayuhan at lokal na negosyante na mananatiling bukas ang Maynila sa negosyo at nangako na mananatiling bukas ang kabisera ng bansa sa negosyo .
Nangako rin ang alkalde ang proteksyon laban sa mga pag-abuso habang isinusulong ang patas na kalakalan. (Jocelyn Domenden)