Advertisers

Advertisers

Binondominium 2 sisimulan na, groundbreaking pinangunahan ni Mayor Isko

0 45

Advertisers

Sinimulan na ang pagpapatayo ng ikapitong in-city vertical housing project sa ilalim ng kanyang pamumuno ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso.

Ito ay matapos pangunahan ng alkalde ang groundbreaking ceremony para sa konstruksyon ng 15-palapag na Binondominium 2 ngayong araw, Pebrero 24, sa kahabaan ng Delpan Street katabi ng Delpan Sports Complex sa Binondo, Maynila.

Pagpapatuloy lamang ito ng mga programang pabahay ng Manila LGU kung saan ilan pamilya na walang tahanan ang maaring mapakinabangan at magkaroon ng disenteng pabahay.

Nauna nang natapos ang Tondominium 1 at 2, Binondominium 1, San Lazaro Residences, San Sebastian Residences, at Pedro Gil Residences, gayundin ang unang in-city townhouse public housing project ng lungsod na Basecommunity.

Pakiusap lamang ng alkalde sa mga mapapagkalooban ng pabahay na pakaingatan at panatilihing itong malinis at huwag dudugyutin.

Kasama sa groundbreaking ceremony si Manila Vice Mayor Chi Atienza at iba pang mga opisyal na lokal na pamahalaang lungsod

Bahagi rin ito ng pagtugon ng Manila LGU sa Minimum Basic Needs ng mamamayan, kabilang na ang pagbibigay ng disente at maayos na tahanan sa bawat pam1/ Binondominium 2, ipinagpapatuloy na rin ang konstruksiyon ng Ramon Magsaysay High School, pagpapagawa ng San Nicolas Health Center, at ang de-kalidad at modernong Pamantasan ng Lungsod ng Maynila College of Allied Health Sciences. (Jocelyn Domenden)