Advertisers

Advertisers

ISKO, SINIMULAN NA BINONDOMINIUM 2; PANIBAGONG PAG-ASA SA PABAHAY PARA SA MARALITANG MANILENYO

0 45

Advertisers

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Iang groundbreaking ng Binondominium 2, nangakong tuloy-tuloy ang pabahay para sa maralitang taga-Maynila

Pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso noong Martes, Pebrero 24, ang groundbreaking ceremony para sa Binondominium 2 sa San Nicolas, na siyang ikaanim na vertical housing project ng lungsod sa ilalim ng kanyang pamumuno.



Itatayo ang bagong gusali sa 405-square-meter na lote na may kabuuang floor area na 6,277.5 metro kuwadrado. Magkakaroon ito ng 98 residential units na may sukat na tig-40 metro kuwadrado bawat isa. Bawat unit may dalawang silid-tulugan, palikuran at banyo, kusina, dining area, at sala.

Maglalaman din ang gusali ng dalawang elevator, isang opisina, daycare center, multi-purpose hall, roof deck, at iba pang pangunahing pasilidad na tutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga benepisyaryong pamilya.



Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Domagoso ang kanyang kabataan sa Tondo at ang sunod-sunod na relokasyong pinagdaanan ng kanilang pamilya dahil sa kahirapan at demolisyon, at sinabing personal sa kanya ang proyektong ito.

Ikinuwento ng alkalde kung paano sila napalayas sa inuupahang bahay nang hindi na nila kayang bayaran ang renta.



“Ang mahirap sa pagiging iskwater, galing ka sa eskwelahan pag-uwi mo, hindi ka sigurado kung ’yung bahay mo nakatusok pa,” aniya.

Ipinaalala rin ni Domagoso ang kanyang pangakong pabahay noong 2019 campaign, at sinabing bagama’t naantala ng pandemya ang ilang bahagi ng plano, hindi nito napigilan ang pagpapatayo ng unang gusali.

Binigyang-diin din ng alkalde ang kahalagahan ng paglalaan ng lungsod ng daan-daang milyong piso para sa pampublikong pabahay.

Binigyang-banggit niya ang pahayag ni dating Pangulong Ramon Magsaysay: “Those who have less in life must have more in law.”

Hinimok ng alkalde ang mga magiging benepisyaryo na pangalagaan ang gusali kapag ito ay natapos na, at iginiit na ang maayos na pabahay ay dapat samahan ng disiplina at pananagutan sa komunidad.

Tiniyak din ni Domagoso na magpapatuloy ang pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod sa pambansang pamahalaan sa malalaking proyekto, kabilang ang pagtatayo ng bagong gusali para sa Allied Health Sciences ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at ang planong pagbili ng lupa para sa isang bagong ospital sa Tondo.

“Ang Maynila ay mananatiling mamumuhunan sa MBN: Minimum Basic Needs—housing, education, healthcare, and jobs,” aniya. “Ang gobyerno ay kayang pataasin ang antas ng pamumuhay ng kanyang mamamayan.” (BP)