Advertisers

Advertisers

DOF, Manila LGU at PMO palalakasin ang health care services; pagbili ng lote nilagdaan

0 7

Advertisers

Lalo pang palalawakin at palalakasin ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang serbisyong pangkalusugan para sa mga residente ng Maynila sa pamamgitan ng pagtatayo ng bagong ospital sa Tondo.

Ito ay matapos lagdaan ni Manila Mayor Isko-Moreno Domagoso kasama si Vice Mayor Chi Atienza, Department of Finance (DOF) Secretary Frederick Go, at Privatization and Management Office (PMO) Chief Michael Peter Alejandro ang Deed of Conditional Sale para sa pag-acquire ng lote sa Abad Santos Avenue sakop ng ikalawang distrito ng lungsod ng Maynila.

Bahagi ito ng preparasyon ng Pamahalaang Lungsod sa pagpapatayo ng bagong 7-storey Ospital ng Tondo, isa sa pitong district hospital na pinatatakbo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Sumisimbolo ito ng pag-asa, seguridad at panibagong simula para sa mga pamilya at komunidad na makikinabang sa nasabing hakbang.

Nagpasalamat ang alkalde kay Finance Secretary Go sa pamamagitan ng inisyatiba at pagsisikap ng PMO dahil naaprubahan agad ang kahilingan ng Pamahalaang Lungsod na bilhin ang lote na pag-aari ng estado. Ito ay may sukat na mahigit-kumulang 500 square meter na matatagpuan sa Abad Santos Avenue sa Tondo.

Binigyang-diin ng alkalde na ang bunga ng nasabing paglagda ay magagamit din ng mga taxpayer.

“Rest assured Mr.Secretary magbubuti po kami–hindi po namin ipagpapariwara itong pagkakataon na ibinigay niyo po sa amin para sa taga lungsod ng Maynila”, pagtitiyak pa ng alkalde kay DOF Secretary Go.

Sinabi naman ni Go na ang kaganapan ay hindi lamang contract signing ngunit simula ng pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan ng lungsod dahil sa liderato ni Mayor Isko.

Ayon kay pa kay Go , napakaimportante ang araw na ito– ang simula ng pagtatayo ng bagong ospital sa Tondo na makakatulong sa napakaraming tao.

“Napakasaya ko po dahil itong assets –itong property na hindi nagagamit ng tama ay , ngayon itineturn over na namin sa City of Manila wherein will be use productively , efficiently and for the good of the people”, pahayag pa ni Go. (Jocelyn Domenden)