Advertisers

Advertisers

MARCOS, NAKIPAGPULONG SA J.P. MORGAN LEADERS SA NEW YORK

0 12

Advertisers

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakapulong niya ang mga senior executives ng J.P. Morgan Chase upang talakayin ang kooperasyong pang-ekonomiya at mga isyung nakakaapekto sa international financial markets.



Ayon sa Pangulo, naganap ang pulong sa sidelines ng kanyang mga aktibidad sa United Nations sa New York City.

Aniya, tinalakay sa pagpupulong ang kasalukuyang kalagayan ng pandaigdigang ekonomiya, kabilang ang epekto ng tumitinding geopolitical tensions sa presyo ng langis at sa ekonomiya ng iba’t ibang bansa.



Sinabi ni PBBM na ibinahagi rin ng mga opisyal ng J.P. Morgan ang kanilang pananaw tungkol sa mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence at ang posibleng epekto nito sa industriya, ekonomiya at labor market.

Binigyang-diin naman ni Pangulong Marcos na mahalaga para sa mga bansa ang pagiging handa sa teknolohiya, pagpapalakas ng cybersecurity at pagsasanay sa workforce upang manatiling competitive sa nagbabagong pandaigdigang ekonomiya. (Gilbert Perdez)