Advertisers

Advertisers

PBBM POWER LABAN SA PAGTAAS NG PETROLYO LUSOT NA SA KAMARA

0 1

Advertisers

PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 8418 na magkakaloob ng special power kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr upang suspindehin ang pagpapataw ng fuel tax sa petroleum products.

247 mga kongresista ang bumoto pabor sa panukala habang tatlo ang kumontra na kinabibilangan nina Representatives Antonio Tinio, Sara Elago, Renee Co na pawang kasapi ng Makabayan Bloc.

Ang panukala ay sinertipikahang urgent ni PBBM noong nakaraang linggo.



Aamyendahan ng House Bill 8418 na inakda nina House Majority Leader Sandro Marcos at House Speaker Faustino Dy III ang Section 148 ng National Internal Revenue Code of 1997 kung saan magkakaroon ng kapangyarihan ang pamahalaan na alisin pansamantala ang ipinapataw na fuel excise tax sa loob ng ilang buwan habang nakararanas ng krisis sa langis sa pandaigdigang pamilihan.

Ang special power ay maari lamang ipatupad ng Pangulo sa ilalim ng dalawang kondisyon, una kung lalagpas ang Dubai crude oil price sa $80 per barrel sa loob ng isang buwan at ikalawa ay kung mayroong deklarasyon ng national emergency o calamity na nagresulta sa pagtaas ng presyo ng langis.



Para maprotektahan ang government revenues, ang suspension ng pagpapataw ng tax sa langis ay lilimitahan lamang ng hanggang sa 6 na buwan maliban lamang kung palalawigin pa o hindi na ng Kongreso sa bisa ng isang joint resolution, ang suspension ay hindi dapat lumagpas sa loob ng isang taon.

Sakaling mag-normal ang sitwasyon at bumalik sa dati ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay agad na tatanggalin ang suspension nang hindi na kailangan pa ng anumang government action.
Sa oras na ipatupad ang measure ay inaatasan na magpalabas ng implementing rules sa loob ng 15 araw ang Department of Finance, Department of Budget and Management, Department of Economy, Planning, and Development, Department of Energy, Bangko Sentral ng Pilipinas, Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs.



Sakaling ipatupad ni Pangulong Marcos ang suspension ng fuel tax ang presyo ng kerosene ay bababa ng P5 per liter, ang diesel ay P6 per liter habang ang gasoline ay bababa ng P10 per liter.

Nagbabala naman ang Department of Energy (DOE) na kung ipatupad na ang suspension sa pagpapataw ng fuel tax ay nasa P136 billion revenues ang mawawala sa gobyerno sa pagitan lamang ng buwan ng Mayo hanggang Disyembre.