Advertisers
Ni Beth Gelena
Ayaw paawat ni Andrea Brillantes sa pagbabanda ng kanyang kaseksihan sa social media.
Katatapos lang niya sa basketball theme photo shoot, heto at isa na namang theme shots ang ibinahagi niya sa kanyang Instagram Stories.
Isang firing sexy shot with short blonde hair ang ibinahagi ng petite actress.
Sey nga ng netizens: “Kahit anong gawin njya sa hair niya bagay lahat”
“Para syang si queen cercei sa the game of thrones.”
“Maganda talaga c Andrea kahit saang anggolo tingnan at bagay sa ganya ang blonde hair”
“Noong Marso 16, 2026, inihayag ni Andrea Brillantes (o kilala rin bilang Blythe) ang kanyang bagong sports-themed photoshoot sa kanyang Instagram, kasunod pa lang ng mainit na pagtanggap sa kanyang basketball-themed birthday shoot noong Marso 12 para sa kanyang 23rd birthday .
Sa bagong larawan, ang tema ay “contact player” . Siya ay naka-topless ngunit may proteksiyon na chest shoulder vest, kasama ang sports panty, mahabang puting medyas, at itim na high heels . Ang kanyang blonde short wig ay nagdagdag pa sa kanyang sex appeal, at ipinakita rin ang kanyang magandang hubog ng katawan . Ang post ay natanggap ng mainit na reaksyon mula sa mga netizen, na nagbuhos ng mga fire at red heart icon .
Ang naunang basketball-themed shoot ay inspirasyon ni basketball legend na si Michael Jordan, at isinusuot niya ang isang stylish na Bulls-style jersey . Ang mga larawan ay pinausbong ng pagbati at papuri mula sa kanyang mga tagahanga dahil sa kanyang pagkamalikhain, istilo, at kumpiyansang pagharap .
Naiisip mo ba kung anong ibang tema ng photoshoot ang maaaring subukan ni Andrea Brillantes sa hinaharap?”
May nagsasabi namang “Lumalaos na si Andrea ngayon, lalo na’t may KAI MONTANILLA AND SHANTI NG LAPILLUS kaya lahat ginagawa para mapansin”
Hmmmm parang hindi naman, mula’t sapul naman mahilig na siyang magpost ng iba’t iba niyang kaganapan sa buhay.