Advertisers

Advertisers

CIVIL REGISTRARS AT ILANG EMPLEYADO NA SANGKOT SA PEKENG ‘BIRTH CERTIFICATE’, KINASUHAN NG NBI SA NORTH COTOBATO

0 17

Advertisers

NAGSAMPA ng pormal na kaso ang National Bureau of Investigation laban sa ilang pampublikong opisyal at pribadong indibidwal na sangkot para mag-isyu ng mga pekeng birth certificate para sa mga Chinese nationals mula sa dalawang bayan sa North Cotabato.

Sa isang pahayag noong Huwebes, sinabi ng NBI na ang Central Mindanao Regional Office (CEMRO), sa malapit na koordinasyon ng Philippine Statistics Authority (PSA), ay nagsagawa ng imbestigasyon na nakatuon sa mga iregularidad sa loob ng Local Civil Registry Offices ng Pikit at Aleosan, North Cotabato.

Sinabi ng NBI na isang sabwatan ang kinasasangkutan ng mga local civil registrar, kanilang mga kawani, at isang retiradong municipal civil registrar na nagsilbing private facilitator.

Nabatid na ang mga indibidwal na ito ay lumampas umano sa mga legal protocol upang iproseso ang late registration ng Certificates of Live Birth (COLB) gamit ang mga peke at gawa-gawang supporting documents.

Natukoy ng PSA ang mahigit 50,000 na mapanlinlang na birth records sa mahigit 1,600 tanggapan ng pagpapatala sa buong bansa.

Ang mga munisipalidad ng Pikit at Aleosan ay partikular na tinukoy bilang mga lugar na talamak ang illegal transactions, na humantong sa masinsinan at matagumpay na operasyon ng NBI sa rehiyon.

Inirekomenda ng NBI-CEMRO ang pagsasampa ng mga kasong kriminal para sa mga paglabag sa Republic Act 3753 (ang Civil Register Law), Republic Act 3019 (ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act), at Republic Act 6713 (ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees).

Bukod pa rito, ang mga sangkot na indibidwal ay nahaharap sa mga kasong pamemeke ng mga pampublikong dokumento at perjury sa ilalim ng Revised Penal Code. (JOJO SADIWA)