Advertisers

Advertisers

MAGANDANG PANIMULA

0 398

Advertisers

BAGO ang lahat, ipinapaabot natin ang ating sinserong pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan sa pagpanaw ni “Kapatid” Misael “Boy” Gonzales, ang beteranong ‘field reporter’ ng DZRH. Mabuhay ka Kasamang Boy at hanggang sa muli!

***

Inilabas na nitong Linggo at ipinakalat ng ‘Peanut Gallery Media Network’ (PGMN) ang isang ‘documentary’ hinggil sa naging pamumuno ni Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa Kongreso bilang ‘House Speaker’ sa 19th Congress at ng kanyang asawa na si Tingog Partylist Rep. Yeddah Romualdez, bilang ‘Chairperson’ ng House Committee on Accounts na ayon kay PGMN anchor CJ Hirro ay ‘The Holy Grail of the Corrupt.’

Nasabi natin sa ating ‘PRANGKAHAN’ program sa FlashTV (tuwing Huwebes, 4:00 pm), na dapat lang lumabas ang nasabing ‘video’ upang mabigyang kredito ang depensa ni PGMN founder Franco Mabanta na ‘set-up’ at hindi ‘entrapment’ ang ginawang paghuli sa kanya ng NBI ni Atty. Melvin Matibag.

“Dinakma” si Mabanta noong Mayo 5, sa bintang na ‘extortion/blackmail’ umano ni Mabanta at mga tauhan niya sa PGMN ng P300 milyon kay Romualdez kapalit ng hindi paglalabas ng video.

Uulitin natin na si Mabanta ay ‘blogger’ at ‘content creator’ ni PBBM sapul pa noong 2018 kaya marami ang “naguguluhan” kung ang paghuli ba kay Mabanta ay indikasyon na rin ng matinding away ni PBBM at ng kanyang pinsan na si Martin Da Tamba dahil sa isyu ng sistematiko at walang-awa na pandarambong sa kaban ng bayan? “Naglalaglagan” na nga ba sila?

Marami tayong nabasa sa social media na reaksyon sa ‘The Mastermind’ video ng PGMN na ibinida ni CJ Hirro. May pumupuri, may bumabatikos dahil “bitin” daw ang kuwento.

Ang impresyon kasi, itong si Romualdez at kanyang asawa ang pinalabas naa “utak” (mastermind) sa garapalang pandarambong sa pondo ng Kongreso at mga proyekto ng gobyerrno sa pamamagitan ng manipulasyon sa pambansang badyet sapul ng maupo sila sa puwesto noong 2022. Wala nga naman kasi sa kuwento ang sentrong papel ni BBM na siyang ‘final signature’ sa ating badyet.

Totoo, maraming kakulangan ang nasabing video.

Subalit, ang paglabas nito ay isang malaking “sampal” sa ‘mainstream media’ na hindi nagkainteres na silipin ang sistematikong korapsyon sa gobyerno at nawalan ng “yagbols” ang mga nagmamagaling na ‘investigative journalists’ upang kontrahin ang mga propaganda ng mga makapangyarihang korap.

Maganda na rin itong panimula tungo sa patuloy na pagmumulat ng mga Pilipino. Sana maging inspirasyon sa hanay ng media at sana, may kasunod pa!

Abangan!