Advertisers
DALAWANG mala-casinong puesto pijo o permanenteng pasugalan sa P. Oliveros Street, Antipolo City siyudad ni Antipolo Mayor Casimiro “Jun-Jun” Yñares III at sa C6 Floodway Bypass Road,Taytay sa bayan ni Mayor Allan Martine S. De Leon ang nagiging sanhi ng pagkalulong sa sugal at droga ng karamihan sa mga mamamayan sa lalawigan ni Rizal Governor Nina Ricci Ynares-Chiongbian.

Sa pasugalan ni Mang Bert sa P. Oliveros Street malapit sa Antipolo City Cathedral ay madalas nagbababad ang karamihan sa mga kalalakihang lulong sa sugal na nagiging sanhi ng sigalot sa pagitan ng mga maybahay at ng kanilang mga mister
Bukod sa pinatatakbong sugalan ni Mang Bert sa P. Oliveros Street, malapit sa Antipolo City Cathedral ay may mga pasugalan din si Dodie Bakla sa C6 Floodway Bypass Road, sa bayan ni Taytay Mayor Allan Martine S. De Leon na 24/7 ang operasyon.
Kahit na ang operasyon ng dalawang naturang mga pasugalan ay 24/7 ay bakit tila mga bulag, pipi at bingi sina Rizal PNP Acting Provincial Director Col. Eleazar Barber Jr., Antipolo City Police Chief Lt Col. Mark Henry A. Garcia at Taytay Police Chief LtCol. Marlo N. Solero?
Mahigit sa isang taon ng nag-ooperate sina Mang Bert at Dodie Bakla ng mga pasugal na color games sakla at iba pang bawal na sugal sa P. Oliveros Street at C6 Floodway Bypass Road.
Dahil sa talamak at lantarang pagpapasugal sa P. Oliveros Street ay napilitan na ang mga apektadong mananampalataya na humingi ng tulong kay Antipolo Bishop Rev. Ruperto Cruz Santos upang ipanawagan sa mga kinauukulan ang pagpapatigil sa naturang mga pasugalan.
Super lakas ng pasugalan ni Dodie Bakla sa C6 Floodway Bypass Road na kilala din na C6 Taytay-Angono-Binangonan-Cardona Bypass Road, pagkat di kalayuan sa pasugalan ang sakayan ng commuter na nagbibiyahe sa iba’t ibang bayan ng Rizal, Bonifacio Global City (BGC) at karatig na lalawigan ng Laguna at Cavite.
Tuwing weekend at araw ng sweldo ay sa pasugalan muna ni Dodie Bakla at Mang Bert nagbababad ang mga sugarol at drug addict, pagkat bukod sa sugal ay may mga kubol doon ng mga drug pusher na nag aabang ng kanilang mga suking buyer ng shabu.
Ayon sa police insider, sina Mang Bert at Dodie Bakla ay kabilang sa mga high value target sa War on Drugs ni dating President Duterte, ngunit nakapagtatakang hindi ang mga ito nasakote sa mga inilunsad na drug buy bust operation ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP Drug Enforcement Group (PDEG).
Dahil sa kawalan ng aksyon nina Col. Barber Jr., LtCol. Garcia at LtCol Solero sa mga iligal na puesto pijo o mga permanenteng pasugalan nina Mang Bert at Dodie Bakla ay nanganganib na madamay sa kanilang kapalpakan si PNP Region 4A Director BGen. Hansel Marantan?
Alalahanin sana nina Col. Barber Jr., LtCol. Garcia at LtCol. Solero na mahigpit na ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang malawakang “crackdown” laban sa illegal gambling kasabay ng pag-aatas sa kanilang mga regional director na suriin ang performance ng kanilang mga police chief.
Huwag sana silang matulad sa kinasapitan nina Pangasinan Provincial Director Col. Arbel Mercurio at ng 10 iba pang matataas na police official ng Pangasinan na sinibak sa pwesto dahil sa hindi pag-aksyon laban sa talamak na operasyon ng illegal gambling sa kanilang mga hurisdiksyon? May karugtong…
***
Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144