Advertisers
SINABI ni Senador Panfilo Lacson na handa siyang tutulan at bumoto laban sa anumang mosyon na maglalayong pigilan o i-delay ang pag-convene ng Senado bilang impeachment court sakaling umu-sad ang kaso laban kay Vice President Sara Duterte.
Giit ni Lacson, malinaw sa konstitusyon ang obligasyon ng Senado na mag-convene bilang impeachment court, at hindi Ito maaaring pigilan ng simpleng mosyon lamang.
Ayon sa senador, kung magkaroon ng ganitong isyu, maaari itong umabot sa Supreme Court (SC) para linawin ang constitutional duty ng senado.
Klinaro rin ng senador na ang kanyang posisyon ay Hindi pa konektado sa magiging hatol sa impeachment trial.
Ani Lacson, ang magiging basehan niya ng boto, kung sakaling matuloy ang paglilitis, mga ebidensya mismo ang ilalatag sa korte, hindi ang proseso ng pag-convene.
Dagdag pa ni Lacson, kung may mga tutol sa pag-convene ng impeachment court, kailangan nilang ipaliwanag ito sa publiko, dahil nakasaad sa konstitusyon na tungkulin ng senado na agad itong isagawa kapag naipasa na ng kamara ang articles of impeachment.