Advertisers
BAD news sa mga DDS (Duterte diehard supporters): Nilayasan ng kanyang dalawang pangunahing abogado sa International Criminal Court (ICC) si dating Pangulo Rody “Digong” Duterte.
Pero posible ring style lang ito ng kampo ni Duterte para ma-delay ang nakatakdang ICC trial.
Kapag walang abogado si Digong, siempre walang magaganap na pagdinig.
Ang lead counsel ni Digong na si Nicolas Kaufman at 2nd man niyang si Dov Jacobs ay nagbitiw nitong May 8-9, 2026, matapos mag-expire ang kanyang isang taon na kontrata noong Marso 31 ng taon.
Higit isang bilyong piso rin daw ang kinita ng ICC lawyer na ito kay Digong
Sinabihan daw si Kaufman ni Duterte nitong Mayo 7 na siya’y papalitan na.
Sumunod na nagbitiw si Jacobs, ang associate counsel, na kaagad ding inaprobahan ng ICC Trial Chamber lll.
Sinabi ni Kaufman na nakapagpili na si Duterte ng kapalit niya, at bago siya bumaba ay nag-file siya ng final motion, humihiling na pansamantalang palayain ang 81-anyos na dating lider ng bansa.
Ang sumunod na dagok kay Duterte ay ang paglabas ng arrest warrant sa numero niyang mga tagasunod sa Senado na sina Ronald “Bato” dela Rosa at Bong Go.
Bagama’t si Bato lang ang naka-highlight na naisyuhan ng arrest warrant, ipinagpalagay na kasama sa mga ipinaaresto ng ICC ang co-perpetrators ni Digong sa kasong ‘Crimes against humanity’ na sina Bong Go, dating PNP Chiefs Oscar Albayalde at Vicente Danao.
Si Bato ay Nobyembre 2025 pa nagtatago matapos ianunsyo noon ni Ombudsman “Boying” Remulla na mayroon na siyang kopya ng ICC warrant.
Si Go ay hindi narin matagpuan ngayon, pati sina Albayalde at Danao.
Ayon sa mga ulat, nasa Pilipinas na ang mga kinatawan ng ICC kasama ang mga operatiba ng Interpol para arestuhin ang naturang mga personalidad.
Ang Interpol ay gumagalaw sa tulong ng law enforcements ng Pilipinas tulad ng PNP at NBI na gumagalaw sa senyas ng Department of Justice.
Wala pang komento rito ang PNP at NBI. Subaybayan!
***
Naghahanda na ang Kamara sa botohang gagawin sa impeachment vs Vice President Sara Duterte.
Sa tantiya ng mga lider-partido sa House, lagpas sa 200 out of 318 kongresista ang pabor para mapatalsik si Sara.
Kapag na-impeach si Sara sa Kamara, nasa mga kamay na ng Senador ang magiging kapalaran niya.
Sa Senado, malamang dalawang boto na ni Sara ang mawawala, sina Bato at Bong Go na kapwa nagtatago dahil nga sa ICC warrant of arrest. Kapag lumabas sila, malamang ilipad agad sila sa The Hague, Netherlands tulad ng nangyari nung maaresto si Digong. Araguy!!!