Advertisers
Arestado ang tatlong drug suspek sa isinagawang drug buy-bust operation sa Brgy. Unang Sigaw, Quezon City.
Kinilala ang mga dinakip na sina Roneli alyas Jao, 19, ng no. 39 Calixto Compound, Brgy. Bagbag, QC; Gerald alias Ilad, 32, ng Libis , Brgy. 162, Sta Quiteria, Caloocan City; at Ricky, 44, residente ng Mindanao Avenue Extension (near Tullahan Bridge 3), Brgy. Ugong, Valenzuela City.
Sinabi ng QCPD Talipapa station. 3 nadakip ang mga suspek 9:15 ng gabi Marso 21 Sabado sa kahabaan ng Quirino Highway malapit sa centennial apartment Brgy. Unang Sigaw, Quezon City.
Ayon kay PSSg Neil Christian Cyrus M Fresco imbestigador na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa mga suspek dahil umano sa pagkakasangkot nito sa iligal na droga.
Nabatid sa ulat na naglatag ng buy bust operation ang mga pulis at nakabili umano ng halagang P200 na halaga ng droga mula sa mga suspek.
Sinabi ni Fresco na nakumpiska ng mga otoridad ang aabot sa P20,000 halaga ng iligal na droga mula sa mga suspek na itinago sa pakete ng sigarilyo.
Kasalukuyan nakapiit ang mga suspek at nahaharap sa kasong illegal drugs na mas kilala bilang The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Boy Celario)