Advertisers
INAPRUBAHAN ng House Justice Committee ang mosyon ni Manila Representative Joel Chua na magpadala ng subpoena duces tecom sa Ombudsman para makuha ang kopya ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ni Vice President Sara Duterte-Carpio mula mga taon 2022-2025, 2016-2022, at 2007-2013.
34 mambabatas ang pumabor sa mosyon na ito, isa ang ‘di sumang-ayon at walang nag-abstain (4-1-0).
Malamang mayary si VP Sara sa SALN. Take note: Sina late ex-Chief Justice Renato Corona, ex-Chief Justice Lourdes Sereno at ilan pang impeachable officials ay napatalsik sa kapangyarihan dahil sa pagsisinungaling sa kanilang SALN. Mismo!
Inaprubahan din ang mosyon na magpadala ng subpoena duces tecom para makuha ang kopya ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagbabanta ng Bise Presidente sa buhay ni President Bongbong Marcos, Jr, First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Rep. Martin Romualdez.
Magugunita na lantarang nagbanta si Sara na kapag may nangyari sa kanya, may kinontrata na siyang tao na papatay kina Bongbong, Liza at Martin.
Recorded ang video ng pagbantang ito ni VP Sara. Kaya hindi n’ya ito maitatanggi.
Hindi smipot si Sara sa pagdinig na ito. Minamaliit n’ya yata ang kapangyarihan ng Kamara.
Nakalimutan siguro ni Sara na may tatlong branches ang gobierno – Executive, Legislative at Judiciary.
Ang Legislative o Kongreso ang may kapangyarihan sa impeachment. Surely, alam ito ni Sara dahil isa siyang abogada. Matigas lang talaga ang kanyang ulo, at siguro minamaliit nga niya ang Kamara.
Ang kanyang 16 abogado de kampanilya ay di rin dumalo sa pagdinig, sa halip ay nagpa-presscon ang mga ito.
Take note: Walang pamosong abogado sa mga solidong ebidensya. Magsasayang lang si Inday sa milyones na ibabayad n’ya sa lawyers na ito para depensahan s’ya sa impeachment.
Ang tanging susi para malusaw ang impeachment ay ang katotohanan.
Kung gawa-gawa lang ang mga ebidensya laban kay Inday Sara, dapat harapin n’ya’t barilin ng katotohanan. That’s it!
Remember nang gawan ng tahi-tahing isyu ni ex-President Digong Duterte si dating Senador Antonio Trillanes tulad ng pagkakaroon daw nito ng milyong dolyar sa isang bangko sa Singapore? Hinarap ito ng dating senador, kumuha ng sertipikasyon sa nasabing bangko na wala siyang nakadepositong dolyares dito. Patay ang isyu!
Ginawan din ni Digong tahi-tahing kaso sa droga si dating Senador ngayo’y Congresswoman Liela de Lima. Hinarap ito ni de Lima sa korte kahit siya’y nakakulong. Dismissed lahat ng kaso.
Ginagawa ko lamang halibawa sina Trillanes at De Lima sa kasong ito laban kay Sara.
Kung tunay na walang nagawang paglabag sa batas si VP Sara, magandang harapin n’ya ang mga akusasyon laban sa kanya, ipamukha sa mga gusto magpatalsik sa kanya na siya’y malinis at karapat-dapat maging presidente ng Pilipinas sa 2028.
Subaybayan!