Advertisers

Advertisers

BOC-NAIA, NAKASABAT NG P21.2-M HALAGA NG SHABU SA DUMATING NA PASAHERO SA NAIA

0 5

Advertisers

MATAGUMPAY na napigilan ng mga alertong tauhan ng Bureau of Customs-NAIA ang tangkang pagpuslit sa bansa ng malaking bulto ng iligal na droga sa NAIA Terminal 1.

Ang operasyon na isinagawa nitong April 3, 2026 sa Customs Arrival Area ng NAIA Terminal 1 ay nagbunga sa pagkakapadakip sa 62-anyos na pasaherong bagong dating mula Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa ulat ng tanggapan ni BOC-NAIA District Collector Atty. Yasmin Mapa, ang nasabing pasahero ay pinigil umano ng BOC-NAIA x-ray operator matapos makitaan ng kahina-hinalang items ang kanyang dalawang bag na dumaan sa screening.

Sa isinagawang manual inspection, nabunyag ang ilang pakete ng puting crystalline substance na nakatago sa backpack at handbags.

Nakumpirma din sa K9 paneling ang presensiya ng dangerous drugs, na nagbunga sa pagkakadiskubre ng 3,120 grams ng methamphetamine hydrochloride o ‘shabu’ na nagkakahalaga ng P21,216,000.

Agad na inaresto ang pasahero at binasahan ng mga karapatan, habang nagsagawa ng imbentaryo at documentation ng mga kumpiskadong ebidensiya.

Ani Mapa, ang mga droga ay nai-turn over agad sa PDEA at ang pasahero ay inilagay na din sa kustodiya nito para sa paghaharap ng kasong paglabag sa RA 9165 ‘Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.’ (JERRY S. TAN)