Advertisers

Advertisers

‘OFW Konek’ at ‘Hoy Listen’ mga bagong pambato ng Abante tutukan

0 4

Advertisers

Ni Anne Venancio

Mas ginawang espesyal at hitik sa impormasyon ang inyong umaga at hapon dahil sa mas pinatindi at mas pinalakas na line-up ng mga paborito n’yong programa.

Tutukan ang pinakabagong programang ‘OFW Konek’ kasama ang premyadong broadcast journalist na si Wej Cudiamat.

Layon nitong maging tulay at boses ng ating mga kababayan sa ibang bansa. Kaya sa mga Ka-Abante nating nasa abroad, ito na ang inyong bagong tambayan tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes, alas-11:00 ng tanghali.

Pagdating naman ng hapon, siguradong gising ang inyong diwa sa “Hoy Listen” kasama si Ely Saludar. Walang paligoy-ligoy na talakayan at mga isyung diretso sa punto ang inyong mapapakinggan tuwing alas-4:00 ng hapon.

Para laging updated, huwag ding palampasin ang mga news program:

Abante sa Umaga: (7:00 AM – 8:00 AM)

Abante sa Tanghali: (12:00 PM – 1:00 PM)

Teletabloid Newscast: (5:00 PM – 6:00 PM)

Para naman sa mahihilig sa aksiyon, hindi kayo maiiwan sa Abante Sports:

Sportalakan: Tuwing Lunes at Huwebes, 1:00 PM – 2:00 PM.

Sports Now: Mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 PM – 9:00 PM.

Heto naman ang bagong timeslot ng mga paborito n’yong programa:

Abante Pilipinas: Simulan ang araw nang tama kasama si Ronnie Ramos, mas maaga na sa ganap na alas-5:00 ng umaga.

Walang Atrasan: Hindi papahuli si Benjie Alejandro sa paghimay ng mga isyu tuwing alas-6:00 ng umaga.

Sa showbiz chika ay mapapanood at mapapakinggan ang Ah Eh Minin: Ito ay isang oras na tsikahan tuwing MWF (Lunes, Miyerkoles, Biyernes), alas-10:00 ng umaga.

Para sa mga certified ‘Marites’ na gutom sa scoop at blind items, hindi kayo bibiguin ng mga dalubhasa sa chika na ‘Marisol Academy’ tuwing Martes at Huwebes ng 10:00 AM at meron pang Sunday edition tuwing alas-4:00 ng hapon.

Huwag magpahuli at laging maging updated sa mga pinakamainit na usapin sa loob at labas ng bansa.

Ang mga programa ng Abante ay mapapanood at mapapakinggan sa DWAR Abante Radyo 1494, mga social page ng Abante, Skycable Channel 85, Converge Channel 79, TCL Smart TV, K5 News FM, Blast TV, Samsung TV Plus, kAPPit-bahay channel at Amasian TV.