Advertisers

Advertisers

ISANG NAWALA, TATLONG NAGOYO, MGA KATIBAYAN LABAN SA MAPANGLINLANG NA IDEOLOHIYA

0 5

Advertisers

NITONG nakaraang mahal na araw, bukod sa aking pagmumuni-muni, ay sumagi sa aking isipan ang sinapit ni
Capt. Dean B. Oyando, ng Philippine Army, na nagbuwis ng kanyang buhay nang maka-enkwentro ang mga komunistang-teroristang NPA noong March 29, 2026 sa Sitio Salapay, Barangay Monteclaro, San Jose, Occidental Mindoro.

Dalawa sa kanyang kasamahan ay sugatan din, na siyang nagpatanto sa akin, ng panganib na laging kinaharap ng ating kasundaluhan sa kanilang pang-araw-araw na paninilbihan para sa kasiguruhan ng lahat.

Ito ay nagpapakita sa atin ng kahihinatnan ng mga Filipinong inilalaan ang buhay para sa kanilang kapwa at katahimikan ng bansa.

Sa kabila nito, ay isa namang nakababahalang pangyayari para sa mga nagogoyo ng mga komunistang-teroristang NPA – ang ating mga kabataan.

Isa na rito si Charlize Garzon, 21, na naging miyembro ng CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng front group na Panday Sining at graduate pa, ng De La Salle–College of St. Benilde.

Di na bago ang kwentong Ito, dahil marami na sila. Sa katunayan, tatlo sila sa loob lamang din ng tatlong buwan na nasaksihan kong na-recruit sa NPA at minalas.

Bago kay Garzon, itong si Jerlyn Doydora, ay napatay noong January 1, 2026 sa encounter sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro. Napaikli ang buhay dahil nagoyo ng MAPANGLINLANG na ideolohiya ng CPP-NPA-NDF.

Sinundan ito ng kwento naman ni Chantal Anicoche, isang Fil-Am, na nakita rin tila wala sa sarili matapos ang isang enkwentro sa nasabing lugar.

Hahayaan pa ba nating may mga sumunod pa kina Garzon, Doydora at Anicoche? Huwag din nating kalimutan ang pagbubuwis ng buhay ni Capt. Oyando.

Lahat sila ay biktima ng mapanglinlang na ideolohiya ng komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, na dapat ay tinutuldukan na nating lahat.