Advertisers

Advertisers

Manila LGU nagpaalala sa Heat Index Forecast

0 12

Advertisers

Pinaalalahanan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang mga Manileño na mag-ingat sa mga sakit na dulot ng sobrang init ng panahon ngayong summer season .

Ito ay matapos maglabas ang Manila LGU sa pamamagitan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department ng Heat Independent Forecast ngayong araw April 7.

Base sa Heat Index , mula alas 6 ng umaga hanggang alas 11 ng umaga ay umabot sa 31 hanggang 39 degrees celcius ang init ng panahon.

Mula naman alas 12 ng tanghali hanggang alas 5 ng hapon ay aabot sa 40 hanggang 43 degrees celcius .

Ang ‘peak heat Index ‘ nito ay papalo sa 43 degrees celcius bandang alas 3 ng hapon kaya naman pinag-iingat ang publiko sa posibleng mga sakit na makuha sa direktang pagkalantad sa init ng araw.

Maituturing naman na danger o delikado kapag umabot ng 42-51 habang 52 degrees celcius naman ay maituturing na extreme danger.

Partikular na pinag-iingat ang mga lolo’t lola na vulnerable sa mga sakit gayundin ang mga bata na madalas nakakaranas ng pagkabalisa dahil sa init ng panahon.

Ipinakita rin sa Index ang gabay upang makaiwas o maibsan ang sobrang init ng panahon .

– Dapat uminom ng tubig ng 8-10 baso ng tubig araw-araw

– Bawasan ang physical activity kapag mainit

– Magsuot ng light-colorectal at maluwag na kasuotan

– Iwasan ang manatili sa ilalim ng sikat ng araw ng matagal (Jocelyn Domenden)