Advertisers
Nakatakas ang puganteng negosyante na si Charlie “Atong “ Ang sa mga otoridad nang salakayin ang pinagtataguan nito sa isang lugar sa bansa, ayon kay Department of Interior and Government Secretary Jonvic Remulla.
“Muntik na namin makorner si Atong nang magsagawa kami ng operasyon kasi may eyeball sightings sa kanya pero we were a day too late. Hindi namin naabutan but meron kaming actual eyeball report na nakita siya rito. Hindi lang namin nakita,” ayon kay Remulla.
“ In fact I was part of the operations. we started 5 in the morning, hindi lang namin inabutan but he was there. So tuloy tuloy pa rin ang efforts para hanapin siya,” ani Remulla.
Tumanggi si Remulla na tukuyin kung saan lugar o area sa bansa isinagawa ang operasyon kungsaan nakita o pinagtaguan ni Ang.
“Well it’s that eyeball report. Basta eyeball report ibig sabihin nakita talaga ng tao na nandodoon. Actionable na ‘yun,” saad ni Remulla.
Sinabi ni Remulla na maraming misinformation na lumalabas, nguni’t pinaniniwalaan nila ang report dahil nakita si Ang sa nasabing lugar kaya’t agad na gumawa ng aksyun.
Aniya, “we believe the most is the eyeball report nakita talaga pinuntahan kaagad namin pero ‘yung mga ganyan kasi pinagpaplanuhan ‘yan. You cannot come in hot na basta basta.”
“With the person like Atong maraming masasaktan so a task force was set up na ang action nila quicker, swifter and more ready kasi alam mo ako masama loob ko kapag may nasasaktan ang pulis eh so I’d rather come in prepared, come in heavy na para magawa namin ‘yung mission namin,” paha-yag ni Remulla.
Sinabi ni Remulla na kinukumirma nila ang intelligence report na nakalabas na ng bansa si Atong Ang at posibleng nasa Vietnam na ito.
Wanted si Ang sa kasong kidnapping serious illegal detention at kidnapping with homicide kaugnay ng pagdukot at pagkawala ng mga sabungero. Naglaan din ang pamahalaan ng P 20 million pabuya sa sinuman makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroonan ni Ang para sa pagkakaaresto.
(Mark Obleada)