Advertisers

Advertisers

Charo Santos asang muling umere ang MMK

0 2

Advertisers

Ni Anne Venancio

Patuloy na hinahangaan ng publiko ang beteranang aktres na si Charo Santos, na kamakailan ay napanood bilang si Tindeng sa hit action-drama na ‘FPJ’s Batang Quiapo’ at sa pelikulang ‘Until She Remembers’ ni Brillante Mendoza. Gayunman, para sa marami, siya pa rin ang mukha ng Maalala Mo Kaya (MMK), na unang umere noong 1991.

Matapos ang dalawang taon pahinga, umaasa si Charo na muling magbabalik ang MMK ngayong taon. “We’re hoping na magkakaroon ng season two… I’m just keeping my fingers crossed. I take things one day at a time,” aniya, habang ipinapahayag ang pasasalamat sa mga biyayang natanggap.

Halos isang dekada na rin mula nang magretiro siya bilang executive ng ABS-CBN.
Aniya, mas nabibigyan niya ngayon ng oras ang sarili at mga bagong interes. “I have more time to explore… importante lang na alam mo ang priorities mo,” saad niya.

Ibinahagi rin niya ang suporta ng kanyang yumaong asawa na si Cesar Rafael Concio Jr.. “He allowed me to discover my own person… may respeto kami sa isa’t isa,” ani Charo.

Sa kanyang pinakabagong papel, tinalakay niya ang konsepto ng pag-ibig. “Yung great love mo, hindi mo makakalimutan… mananatili ‘yan habang buhay,” aniya.

Sa kabila ng kanyang edad, nananatiling aktibo si Charo, patunay na ang tunay na dedikasyon sa sining ay walang pinipiling panahon.