Advertisers
Ni Anne Venancio
Inanunsyo ng Taiwanese music company na B’in Music na darating sa Maynila ang ilang miyembro ng F4 na sina Jerry Yan, Vanness Wu, at Vic Chou, kasama ang vocalist ng Mayday na si Ashin para sa F?FOREVER 1st World Tour.
Sa isang Instagram reel na inilabas noong Abril 6, ipinakita ang behind-the-scenes ng kanilang paghahanda sa concert sa Wuhan, China, kung saan makikita ang masusing production work at koordinasyon ng team para sa maayos na pagtatanghal.
Tampok din sa video ang mga miyembro ng F4 na sina Jerry, Vic, at Vanness na nagkakasiyahan at nagpapahinga habang naghahanda para sa kanilang performance.
Bago matapos ang clip, inilabas ang listahan ng susunod na concert stops ng tour na agad nagdulot ng matinding excitement sa mga tagahanga sa Pilipinas.
Kasama sa tour ang mga show sa Chongqing sa Abril 10–12, Jakarta sa Mayo 29–30, at iba pang nakatakdang pagtatanghal sa Bangkok, Singapore, at Kuala Lumpur.
Ang F4 ay sumikat noong 2001 sa hit series na Meteor Garden at naglabas ng tatlong studio albums na naging bahagi ng kanilang malaking ambag sa Asian pop culture.