Advertisers
NADISKUBRE ng Department of Agriculture (DA), sa pamamagitan ng National Food Authority (NFA), ang ilang pekeng benepisyaryo ng programang “Benteng Bigas, Meron Na!” sa gitna ng dagsa ng mga gustong makabili ng murang bigas.
Ayon sa ahensya, may ilang pumipila sa mga Kadiwa store na gumagamit ng pekeng ID at dokumento upang makabili ng P20 kada kilo na bigas.
Dahil dito, nanawagan si Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra, head ng Kadiwa ng Pangulo Program, na huwag abusuhin ang sistema upang hindi maagawan ng benepisyo ang mga lehitimong benepisyaryo.
Bilang tugon, mas pinaigting ng programa ang kanilang online system upang maiwasan ang pananamantala.
Siniguro naman ng NFA na tanging mga bulnerableng sektor ang makikinabang sa P20 kada kilo na bigas, lalo na sa gitna ng krisis sa langis.