Advertisers
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Dita Angara-Mathay bilang kalihim ng Department of Tourism (DOT).
Nabatid na dating Commercial Counselor sa Philippine Trade and Investment Center sa Tokyo si Mathay, kung saan pinangunahan niya ang ugnayan sa mga Japanese investors at industriya.
Ayon sa Palasyo, layunin ng administrasyon na palakasin ang turismo bilang susi sa trabaho, negosyo, at paglago ng ekonomiya.
Inaasahang mas mapapalakas pa ang pamumuhunan at suporta sa lokal na industriya at MSMEs sa ilalim ng pamumuno ni Mathay. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)