Advertisers

Advertisers

Pulis bulagta sa buy-bust sa Bacolod

0 6

Advertisers

NASAWI ang isang pulis nang paputukan ng isang tulak sa gitna ng buy-bust operation sa Bacolod City, Huwebes ng gabi.
Ayon kay PRO-Negros Island Region Director, Brig. Gen. Thomas Ibay, nasawi habang ginagamot sa ospital si Police Master Sergeant Romulo Galvez, miyembro ng Station Drug Enforcement Team ng Bacolod City Police Office.
Nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Police Station 9 sa Barangay Sincang nang barilin ng kalibre .45 l ng 32-anyos na salarin si Galvez.
Tinamaan sa kanang hita ang pulis at binawian ng buhay sa pagamutan.
Naaresto naman ang suspek ng mga operatiba at narekober dito ang limang sachet ng marijuan na nagkakahalaga ng P48,000, buy-bust money at armas na ginamit sa insidente.