Advertisers

Advertisers

Rochelle Pangilinan mas sumikat sa edad na 43

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Ibinahagi ng SexBomb Girls leader na si Rochelle Pangilinan ang kanyang makabuluhang realization tungkol sa buhay sa edad 40, kasabay ng bagong milestone ng kanilang grupo matapos makipag-partner sa isang sikat na mobile game.



Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Rochelle na akala niya ay tapos na ang mga “firsts” sa kanyang buhay, ngunit kabaligtaran ang nangyari. “At 40s… akala ko tapos na ang mga ‘firsts.’ Pero hindi pala. Doon pa kami napasama sa Mobile Legends; doon pa mas nagbukas ang mga oportunidad,” aniya.

Aniya, nagsilbing inspirasyon ang karanasang ito upang ipaalala sa kababaihan na hindi nagtatapos ang oportunidad sa pagtanda. “Gising ‘to sa mga babae—na akala mo pag tumanda ka, mag-stop na ang lahat. Pero hindi. Marami pang naghihintay para sa’yo. Hindi hadlang ang edad. Life begins at 40,” dagdag niya.
Samantala, patuloy ang tagumpay ng SexBomb Girls na nakatakdang itanghal ang ikaanim na show ng kanilang concert na “Get, Get Aw!” sa Abril 18 sa SMDC Open Grounds sa Parañaque City.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">