Advertisers
Ni Anne Venancio
Balik Pinas ang K-pop star na si Sandara Park. Makikitang nag-e-explore ito kasama ang malalapit na kaibigan, habang tinatangkilik ang iba’t ibang pagkaing Pinoy. Ipinakita rin niya ang kanyang summer streetwear look na akma sa mainit na panahon.
“I’m home,” caption niya sa isang post, na agad umani ng positibong reaksyon mula sa fans.
“Enjoy your vacation here Dara,” ayon sa isang netizen. “Welcome back to Pinas Daraaa!” komento pa ng isang supporter.
Hindi ito ang unang pagkakataon na bumisita ang singer sa bansa, matapos ang kanyang mga naunang bakasyon sa Sultan Kudarat at Bohol noong nakaraang taon.
Noong Oktubre 26, pinasaya rin niya ang fans sa Shoot of Asia Basketball Exhibition Game sa Pasay kung saan nagtanghal siya ng ilang hit songs kabilang ang “I Am the Best,” “Go Away,” “Kiss,” at “In or Out.”
Nakipagkita rin siya kina Alden Richards at Ryan Bang.