Advertisers
Ni Beth Gelena
Enjoy si Jodi Sta Maria sa bago niyang movie na Midnight Girls kung saan kiinunan ang buong pelikula sa Japan.
Natuwa ang premyadong aktres, dahil habang nagshoshoot sila ng movie ay kumikita pa rin siya bilang extra income.
Ang trabaho kasi ni Jodi ay isang japayuki, kasama sina Sanya Lopez, Jane Oineza at Loisa Adalio.
Ani Jodi: “Hindi kasi alam ng mga Hapon na kami ay mga artista dito sa bansa. Kaya yung mga nagti-table sa amin binibigyan kami ng tip na nakakatuwa naman.
First time na nagkatrabaho sina Jodi at Sanya at Ibinahagi ng Kapamilya actress ang kanyang karanasan sa pagtatrabaho sa Kapuso actress.
Ang kuwento ng Midnight Girls ay mga babaeng nagsakripisyong pumunta ng Japan dahil naghahangad ng malaking kita para maitulong sa mga magulang.
Isiniwalat ni Jodi na upang mapaghandaan ang kanilang mga tungkulin bilang mga club dancer o entertainer, nagkaroon sila ng immersion sa isang bar sa Japan.
“It is important for us, doon sa character namin na talagang maintindihan ‘yung lalim ng pinaghuhugutan, ‘yung pinanggagalingan ng mga babae, ‘yung mga istorya na ilalahad namin or ‘yung mga pino-portray namin. So part doon ‘yung immersion,”aniya sa media launch after ng press preview ng kanilang movie na ginanap sa Gateway Cinema 16 kamakailan. Ginawa nila ang karaniwang ginagawa ng mga babaeng nagtatrabaho sa club: sasayaw at kakanta sila para sa mga kostumer, at magkukwento para lang aliwin sila.
Samantala naging guest din ng Kung of Talk Boy Abunda si Jodi, kamakailan sa kanyang show na Fast Talk With Boy Abunda.
Tinanong siya kung ano ang pakiramdam ng pakikipagtulungan kay Sanya, ang nag-iisang Kapuso star sa kanilang apat.
“ I super love her. I really vocalize my appreciation sa babaeng ‘to. Sabi ko nga, ‘Alam mo, hindi ka lang magaling, napakabuti mo pang tao.’ Nakakatuwa,” wika ng aktres.
Ipapalabas ang Midnight Girls sa mga sinehan sa Mayo 13.
Nga pala, equal ang moments ng apat na bida ng MG yun nga lang mas mahahaba ang eksena sa kanilang apat.
May iconic word naman si Sanya sa movie, aniya siya raw ay isang ‘pokpok forever.’
In fairness, maganda ang movie at walang dull moments na mga eksena.