Advertisers
Pinarangalan ng Lungsod ng Maynila ang mga natatanging mamamayan at institusyon sa ginanap na Gawad Manileño 2026: Pagpupugay sa Kahusayan at Paglilingkod sa Metropolitan Theater noong Huwebes ng hapon, Hunyo 18, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-455 anibersaryo ng pagkakatatag ng lungsod.
Tinanggap ni Commission on Audit Chairperson na si Gamaliel A. Cordoba ang Gawad Gat Andres Bonifacio, ang pinakamataas na parangal na ipinagkakaloob ng Lungsod ng Maynila. Iginawad ito nina Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso at Vice Mayor Angela Lei ‘Chi’ Atienza.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Cordoba na siya ay “made and assembled in Manila,” at binalikan ang kanyang pinagmulan sa Padre Noval Street sa Sampaloc kung saan siya lumaki. Aniya, kapwa nag-aral sa Maynila ang kanyang mga magulang bago tuluyang manirahan sa lungsod.
“Ang pagtanggap ko sa Gat Andres Bonifacio Award ay hindi ko lamang ginagawa para sa aking sarili. Ito ay para rin sa lahat ng mga guro, kapitbahay, kaibigan, at ordinaryong Manileño na naging bahagi ng aking paghubog bilang tao at bilang lingkod-bayan,” ani Cordoba.
Ginawaran din ng posthumous award ang beteranong mamamahayag na si Misael ‘Boy’ Gonzales Jr., habang tinanggap naman ni DEPW Construction and Maintenance Foreman Tagumpay W. Vergara ang Gawad Rajah Sulayman.
Sa larangan ng edukasyon, kinilala si Dr. Rhodora Angela Fernandez Ferrer, Executive Director ng Private Education Assistance Committee. Pinarangalan naman si Dr. Grace H. Padilla, pinuno ng Manila Health Department, para sa kanyang ambag sa pampublikong kalusugan.
Kinilala rin si RTC Branch 18 Executive Judge Hon. Carolina C. Icasiano-Sison sa larangan ng hudikatura at si Senior City Prosecutor Atty. Aris B. Panaligan para sa kanyang natatanging serbisyo bilang tagausig.
Pinarangalan din si PCpt. Felino P. Nebato, Acting Chief ng Legal Office ng Manila Police District, para sa kanyang ambag sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.
Sa larangan ng palakasan, ginawaran si Quinn Kacey B. Dela Rosa ng Gilas Pilipinas Women’s Basketball. Samantala, kinilala naman sa mass media si broadcaster na si Czarina Marie ‘DJ Cha Cha’ Balba-Guevara ng programang “Ted Failon and DJ Chacha” sa 105.9 True FM.
Sa kultura at sining, ginawaran si Maria Beatriz ‘Patis’ Pamintuan Tesoro, habang kinilala naman ang Beksshie ng Maynila para sa kanilang mga gawaing sosyo-sibiko.
Pinarangalan din ang Universidad de Manila-Bahaghari para sa ambag nito sa kapakanan at pagpapaunlad ng kabataan. Tinanggap naman ng Barangay 412, Zone 42, District IV, sa pangunguna ni Punong Barangay Raymond P. Ramillano at ng konseho ng barangay, ang Gawad Manileño Para sa Kalikasan para sa kanilang pangangalaga sa kapaligiran.
Kinilala rin ng lungsod ang mga natatanging indibidwal na nagbabayad ng real property tax, kabilang sina Marcos C. Roces, Po Suan Velasco Chua Yu, Robin C. Sy, Carmencita O. Reyes, Luis Co Jr., Lucia Yeung Pun Ling Hsu Tzu, Reginaldo A. Oben, Philip S. Lim, Enrique T. Yuchengco, at Patricia L. Tiongson.
Sa corporate category ng real property tax, pinarangalan ang The Manila Hotel Corporation, Land Bank of the Philippines, San Miguel Corporation, Petron Corporation, Megaworld Corporation, SM Prime Holdings, Inc., International Container Terminal Services, Inc., Manila North Harbour Port, Inc., at Asian Terminals, Inc.
Kabilang naman sa mga natatanging business taxpayers sa indibidwal na kategorya ang Meedpharma Medical Supplies & Equipment Distributor, Lirobenson Hardware, Allpcon Enterprises, Roma Personalized Printing, JT Pascual Customs Brokerage, U2 Electrical Contractor, RM Box Center, LYL Marketing, at Mintex Industrial Supply.
Sa corporate category ng business tax, kinilala ang Montosco, Inc., Tutuban Properties, Inc., Philtrust Bank Company, TCL Sun, Inc., Far Eastern University, Philippine-Chinese Charitable Association, Inc., Manila North Harbour Port, Inc., Asian Terminals, Inc., at International Container Terminal Services, Inc..
Pinarangalan din ang mga natatanging employer na nagbigay ng trabaho sa mga Manileño, kabilang ang Akle Food, Inc., Citi HRM Corporation, CNT Promo & Ads Specialist, Inc., Collecticons Inc. (Filbars), Concentrix CVG Philippines, Inc., Excell Workforce Solutions Corporation, Golden Arches Development Corporation, Jollibee Foods Corporation, PLK Philippines Inc., at ang SM Group.
Bukod sa pagkilala sa mga natatanging Manileño, pinarangalan din ng lungsod ang mga indibidwal at korporasyong may malaking ambag sa pag-unlad ng Maynila sa pamamagitan ng tapat na pagbabayad ng buwis at pagbibigay ng hanapbuhay sa mga residente.
Kabilang sa mga kinilalang Natatanging Tagapagbayad ng Buwis para sa Real Property sa kategoryang indibidwal sina Marcos C. Roces, Po Suan Velasco Chua Yu, Robin C. Sy, Carmencita O. Reyes, Luis Co Jr., Lucia Yeung Pun Ling Hsu Tzu, Reginaldo A. Oben, Philip S. Lim, Enrique T. Yuchengco at Patricia L. Tiongson.
Sa kategoryang korporasyon, kinilala ang The Manila Hotel Corporation, Land Bank of the Philippines, San Miguel Corporation, San Lazaro Holdings Corporation, Petron Corporation, Megaworld Corporation, SM Prime Holdings Inc., International Container Terminal Services Inc. (ICTSI), Manila North Harbour Port Inc., at Asian Terminals Inc.
Pinarangalan din ang mga Natatanging Tagapagbayad ng Buwis para sa Negosyo sa kategoryang indibidwal na pagmamay-ari, kabilang ang Meedpharma Medical Supplies & Equipment Distributor, Lirobenson Hardware, Allpcon Enterprises, Roma Personalized Printing, JT Pascual Customs Brokerage, U2 Electrical Contractor, Yuchengco Enrique Re Lessor, RM Box Center, LYL Marketing at Mintex Industrial Supply.
Sa kategoryang korporasyon para sa business tax, kinilala ang Montosco Inc., Tutuban Properties Inc., Philtrust Bank Company, TCL Sun Inc., Land Bank of the Philippines, Far Eastern University, Philippine-Chinese Charitable Association Inc., Manila North Harbour Port Inc., Asian Terminals Inc., at International Container Terminal Services Inc.
Kinilala rin ng lungsod ang mga natatanging employer na nagbigay ng trabaho sa mga Manileño, kabilang ang Akle Food Inc., Citi HRM Corporation, CNT Promo & Ads Specialist Inc., Collecticons Inc. (Filbars), Concentrix CVG Philippines Inc., Excell Workforce Solutions Corporation, Golden Arches Development Corporation, Jollibee Foods Corporation, PLK Philippines Inc., at ang SM Group.
Samantala, ginawaran ng Gawad Manileño Para sa Kalikasan ang Barangay 412, Zone 42, District IV sa pangunguna ni Punong Barangay Raymond P. Ramillano at ng konseho ng barangay dahil sa kanilang mga programang pangkalikasan at pangangalaga sa kapaligiran.
Sa kanyang mensahe bilang Ama ng Lungsod, sinabi ni Mayor Isko Moreno na ang tunay na sukatan ng tagumpay ng isang lungsod ay hindi nasusukat sa dami ng mga gusali kundi sa kalidad ng buhay ng mga mamamayan nito.
Aniya, ang tema ng anibersaryo ngayong taon na “Matatag sa Hamon, Pinagtibay ng Panahon” ay sumasalamin sa katatagan ng bawat Manileño.
“Ang isang dakilang lungsod ay hindi binubuo ng pamahalaan lamang; ito ay binubuo ng mga mamamayang pinipiling magmalasakit,” ani Moreno.(BP)