Advertisers

Advertisers

Shaina Magdayao maagang na-expose sa showbiz!

0 2

Advertisers

By Anne Venancio

DINIIN ni Shaina Magdayao na naniniwala siya na sa buhay, hindi kailanman tunay na nag-iisa ang isang tao dahil may mga taong dumarating sa tamang panahon upang magbigay ng gabay, suporta, at lakas.

Aniya, may mga “Emman” sa buhay ng bawat isa—mga kaibigan, pamilya, mentors, at spiritual guides na nagsisilbing sandigan sa gitna ng mga pagsubok.

Ginagampanan ni Shaina sa serye ang karakter na si Ruth, isang ina at asawa na patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay na mas nagiging makabuluhan ang kuwento dahil ipinakikita nito ang kahalagahan ng mga taong nakapaligid sa isang indibidwal.

Kasama sa cast sina JM de Guzman, Yasmyne Jill, Mitch Valdez, Ryrie Sophia, at Ely Buendia, na gumaganap bilang Emman.

Ayon sa aktres, personal din niyang naranasan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga taong gumagabay sa kanya mula pagkabata sa showbiz. Malaking tulong aniya ang pamilya, mga kaibigang may spiritual guidance, at mga mentors sa industriya upang manatili siyang naka-focus at hindi maligaw ng landas.

Maagang exposure sa showbiz ang nagbigay sa kanya ng iba’t ibang karanasan, ngunit dahil sa tamang paggabay ng mga tao sa kanyang paligid, nakaiwas siya sa mga maling desisyon.

Ang ‘My Bespren Emman’ ay mapapanood sa TV5 tuwing Lunes hanggang Biyernes sa primetime slot.