Advertisers
Advertisers
Advertisers
PINAGSISIGAWAN ngayon ni Vice President Sara Duterte-Carpio na sinungaling, walang utang na loob, pahirap sa mamamayan at korap si Pangulong Bongbong Marcos, Jr.
Pero nung nangangampanya sila bilang Uniteam, nagkandapaos siya sa pagsisigaw sa entablado na si BBM ang karapat-dapat maging pangulo dahil mabait ito, masipag, at mapagkakatiwalaan.
Ngayong ginagampanan ng buong katapatan ni PBBM ang tungkulin niya bilang ama ng bansa, kungsaan sinasagasaan niya ang mga mandarambong ng kaban ng publiko kahit mga kaalyado, kaibigan at kamag-anak, galit na galit si VP Sara. Bakit? Kasi nabunyag ang kanyang kabaliwan at pagiging sakim!
Oo! masasabi kong si PBBM ay katulad ni yumaong PNoy na walang kai-kaibigan, kaalyado at kamag-anak pagdating sa pamumuno at kampanya laban sa katiwalian.
Tulad ni late PNoy, marami nang napakulong at maipapakulong pang mandarambong ang administrasyong ito ni PBBM.
Noong panahon ni yumaong Noynoy, napakulong niya ang numero unong tulisang “kontraktor” na si Janet Lim-Napoles at ang mga politikong nagpadaloy ng kanilang milyon-milyon o bilyon-bilyong pork barrel sa mga pekeng “foundation” ng tinaguriang “Pork Barrel Queen”.
Nakulong rito sina noo’y Senador Bong Revilla, Jinggoy Estrada at late Juan Ponce Enrile.
Marami pang mambabatas noon sa Mababang Kapulungan at opisyales ang nakulong sa pandarambong sa administrasyong PNoy.
Puede n’yong igo-google ang mga resibo.
Sa kasalukuyang administrasyon ni Marcos, Jr., nakulong uli sa pandarambong sina Jinggoy at Revilla, at ang bagitong Senador na si Rodante Marcoleta, ang dating GMA boy at ex-Congressman Mike Defensor, at ang mga tulisan sa DPWH.
Kulong din ang pinsang buo ni PBBM na si Congressman Martin Romualdez, at wanted sina ex-Cong. Zaldy Co at ang naging Presidential spokesman ni Rody Duterte na si Harry Roque.
Maging si Digong ay napakulong sa International Criminal Court (ICC)), at wanted sa ICC si Sen. Bato dela Rosa.
Marami pang politikong tulisan ang kasalukuyang iniimbestigahan at malamang ay ma-selda sa mga sunod na araw.
Malamang pati si VP Sara ay tumira sa kulungan. Peks man!
Ganito kalupit ngayon ang PBBM administration, copycat si late PNoy.
Saludo tayo!!!
***
Ilalatag na ng House prosecutors sa Impeachent Trial laban kay VP Sara ang bank accounts at tax records ng huli para sa artikulo ng “tagong yaman” ng mag-asawang Sara at Mans Carpio.
Ang naturang mga rekord ay ibinigay na ng mga bangko at BIR sa House prosecutors at sa Senate Impeachment Court.
Dito natin malalaman kung gaano kayaman si VP Sara, na nakamit niya o nilang mag-asawa simula nang pumasok siya sa politika, mula mayor ng Davao City at Bise Presidente ng bansa. Kaabang-abang ito, mga pare’t mare.
Subaybayan!