Advertisers

Advertisers

PAGCOR nag-donate ng 100 Smart TV sa Manila LGU

0 4

Advertisers

Nakatanggap ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng 100 smart television units mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong Miyerkules, Hulyo 8, bilang donasyon para suportahan ang digitalization at mga inisyatiba ng lungsod sa paghahatid ng serbisyong publiko.



Pormal na ipinagkaloob ang donasyon nina PAGCOR Assistant Vice President Eric Balcos at Senior Manager Rydel De Guzman at tinanggap nina Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza sa isang seremonya sa Manila City Hall

Pinasalamatan ni Domagoso ang PAGCOR sa patuloy na pakikipagtulungan sa lungsod, at sinabing sinasalamin ng donasyon ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno para mapabuti ang serbisyo para sa mga Manileño.



Ayon sa alkalde, makadagdag ang mga smart TV sa patuloy na modernisasyon ng lungsod habang patuloy na gumagamit ng teknolohiya ang lokal na pamahalaan para mapahusay ang operasyon at paghahatid ng serbisyo publiko.

Tiniyak din ni Domagoso sa PAGCOR na gagamitin nang tama at responsable ang mga donasyong units, kasama ang iba pang tulong na natanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, para direktang makinabang ang mga residente ng lungsod. (Jocelyn Domenden)